Ang
munting nayon ng Ambling na nasasakupan ng bayan ng Majayjay ay isang
pook na masukal at nalilibot ng matataas na punongkahoy na nababalot
ng mga baging at uway mula puno hanggang dulo. Kahit mayroon nang mga
naninirahan sa nayong ito, patuloy pa rin itong pinamumugaran ng mababangis
na hayop, makamandag na mga ahas at sari-saring ibon. Ngunit likas na
matatapang ang mga tagarito. Wala silang kinatatakutang mababangis na
hayop. Sinusuong nila ang kamatayan mapanatili lamang mapayapa ang kanilang
pamumuhay. Isang pakikipagsapalaran ang manirahan noon sa maliit na
nayon ng Ambling.
Nang panahong iyon ang namumuno sa Majayjay
ay isang malupit na Kapitan. Ang mga mamamayan ay sapilitang pinagbabayad
ng P2.00 sedula. Ang mga taong nayon at tutol sa ganitong paniningil
ng mga namumuno.
Dahil sa kalayuan ng kanilng pook sa bayan
ang mga taganayon ay lubhang nahihirapan sa kanilang pagyayaot-dito
sa bayan upang makinig lamang ng misa sa simbahan. Naghihirap din ang
ma taganayon sa paglalakad ng mga papeles sa pamahalaan tulad sa pagpapakasal
at pagpapatala ng mga bagong silang na sanggol, atb.
Bunga ng mga suliraning ito ng mga tao,
pinagkaisahan ng mga matatanda na tumawag ng isang pulong upang pagusapan
na hilingin sa mga may kapangyarihan na bigyan ang taong nayon ng layang
makapagsarili. Hindi lamang ang mga taga-Ambling na munti ang natuwa
sa mga panukala ng matatanda, kundi pati ang mga naninirahan sa mga
karatig nayon sapagkat malaking kaginhawahan iyon sa kanila kung matutuloy.
Ang pagpupulong ng mga tao ay nagkaroon ng bisa. Ang bawa't pamilya
ay nasipag-abuloy ng kanilang kaya at sila ay nagtayo ng sariling simbahan.
Nang maitayo ang simbahan ay humiling ang mga taga-nayon ng isang paring
Kastila na siyang magmimisa araw-araw. Natuwa naman ang mga Kastila
sa ginawa ng mga tao at sa pagsisikap na rin ng pari ay isang pulong
ang tinawag upang gawing malaki at pangmatagalan ang simbahan. Ang mga
lalaki ay inatasang manguha ng malalaking kahoy sa gubat upang gawing
mga haligi at iba pang kagamitan. Ang mga babae naman, kasama ang mga
binata't dalaga ay naghakot ng mga bato at buhangin.
Sang-ayon sa sabi ng matatanda, nang matipong
lahat ang mga kagamitan at itatayo na lamang ang simbahan ay may isang
himalang ipinakita ang Diyos sa mga tagabaryo. Nakakita raw ang mga
naninirahn sa nayon ng isang malaking baka na ang katawan ay nababalot
ng ginto. Nangingislap ang katawan nito sa siakt ng araw. Ang hayop
ay nagpamalas ng kabaitan sa mga tao na kahit lapitan ay hindi tumitinag
sa pagkakatayo. Nang matagalan ay nanggilalas ang mga nakasaksi sapagkat
ang gintong baka ay biglang nagbago ng anyo. Ito ay naging isang magandang
babae na nakadamit ng puti at nasasabiatn ng nangingislap na mga alahas
sa katawan. Nang malaunan ay nagsalita ang babae at itinanong kung ang
mga taganayon ay buo ang loob na magtayo ng isang simbahan. At sinabi
pa kung sila ay magtatayo ng isang tahanan ng Diyos ay kailangang sa
tabi ng "Pintong Pilak" itayo ang simbahan at sa paligid niyon
manirahan ang mga ao sapagkat doon sila mamumuhay nang maginhawa. At
sinabi rin ng babae na siya ay isang sugo ng Diyos.
May ilang tao ang nagsabing napakalayo
ng pook na iyon. Ngunit sinabi naman ng mga babae na kung sa pook na
nabanggit itatayo ang simbahan ay namamalaging kapiling ng mga tao ang
gintong baka sa gayo'y pangangalagaan sila at mananatiling maginhawa
ang kanilang pamumuhay.
Ayon s matatanda, ang "Pintong Pilak"
ay isang kuweba na may magandang alamat. Ang kuwebang ito ay nakatayo
sa baybaying ilog na kung tawagin ay Duminding na sa ngayon ay tinatawag
na "Kipot" sa sakop ng Ambling na Munti. Ang kuweba ay napapaligiran
ng matataas na tagudturin na may munting pintuan patungo sa loob. Sang-ayon
din sa salaysay ang Pintong Pilak ay isang malaking bukas na pintuan.
Sa isang salaysay, sinasabing mayroon
daw noong isang lalaking naghahanap ng kanyang nawawalang kalabaw. Sa
paghahanap ay napadako siya sa nakabukas napintuan ng kuweba. Ang kuweba
ay napapaligiran na malalaking punongkahoy at matataas na damo. Siya
ay nagbakasakaling tingnan doon ang nawawalang hayop. Malayo na ang
kanyang napaghahanapan ng kalabaw, ngunit hindi pa rin niya iyon makita
kayat unti-unting nawawala ang kanyang pag-asa na makita pang muli ang
kanyang hayop.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin
siya sa isang dako at napansin niyang nagliliwanag ang bunganga ng ilog.
Nang siya'y mapalapit ay nakita niya ang bahagyang nakabukas na pinto
na nilalagusan ng nakasisilaw na liwanag.
Namangha ang lalaki at upang mabatid ang
hiwaga sa loob ng kuweba ay unti-unti niyang itinulak ang panara ng
pintuan at doon niya nakita ang isang daang patungo sa isang silid na
malamig at naiilawan ng mga lampara. Sa pangyayaring ito ay ganap niyang
nakalimutan ang tungkol sa kanyang hinahanap, lalo na nang makita niya
ang mga nagkikintabang gamit sa bahay tulad ng pinggan, tasa, baso,
kutsara, bandera at iba pang gamit na yari sa pilak. Naalaala tuloy
ng magbubukid ang salaysay ng matatanda na ang lahat daw ng mga nakukulimbat
ng mga tulisan noong una ay inilalagak sa isang yingib o kuweba.
Nakadama siya ng katuwaan at sigla sa
kabila ng naka-pangingilabot at di kapani-paniwalang pangyayari. Siya
ay nasasa anyo ng pagdidili-dili nang makarinig siya ng bahagyang langitngit
ng pinto sa isang panig ng kuweba. Napatingin siya at sa kanyang panggigilalas
ay natambad sa kanyang paningin ang isang matandang babae. Pinalilipat
siya. Sa kanyang pagkabigla ay nanatili siyang nakatayo sa gitna ng
silid, hindi nakakilos, ni hindi makapagsalita.
Walang anu-ano'y nagsalita ang babae at
sinabi nitong huwag hihipuin ang ano mang bagay sa silid na iyon. Sinabi
rin ng babae na ang mga kagamitang kanyang nakikita ay maaaring hiramin
ng mga taong may malinis na damdamin at taos-pusong nangangakong ibabalik
ang lahat na hiniram pagkatapos gamitin sa malinis na pangangailangan.
At ang sino mang manghihiram ng kagamitang ay nagdadala ng isang puting
dumalagang manok bilang bayad o upa sa paghihiram. Pagkatapos ng pagsasalita
ng babae, ito ay biglang nawala at nagdilim ang loob ng kuweba. Kinusot
ng lalaki ang kanyang mga mata at nang nagliwanag ang kanyang paningin
ay natagpuan na lamang niya ito ay nananatiling nakasara.
Nagdudumaling umuwi ng bahay ang magbubukid
at isinalaysay ang kababalaghang kanyang nasaksihan. Ang balita ay mabilis
na kumalat sa buong nayon ng Ambling na MUnti at sa mga karatig pook
nito. Ngunit ang mga tao ay hindi makapaniwala sa ipinagsasabi ng magbubukid.
Upang mapatunayan at maniwal ang mga tao
sa ibinabalita ng magsasaka ay sinubuakn ito ng isang mag-asawang may
pakasal. Kinausap ng ina ng ikakasal na siu Ka Petra ang lalaki na tulunagn
sila sa panghihiram ng kasangkapan sapagkat kulang ang kagamitang magagamit
sa handaang gagawin. Sumang-ayon naman ang magbubukid. Nagpahanda siya
ng isang dumalagang manok na puti upang gawing pangupa sa hihiraming
mga kasangkapan. Nang naihanda ang kailangan, nagtungo ang lalaki sa
kuweba at kapag-daka'y kumatok sa pintuan. Sapat na ang tatlong katok
sa pinto ng kuweba at ito ay binuksan na ng magandang babae na naninirahn
doon.
Tinanong na babae kung ano ang pakay ng
magsasaka. Agad sumagot ang lalaki. "May pakasal si Ka Petra at
kulang ang kanilang mga kagamitan kung kayat nakisuyo sila sa akin upang
manghiram ngkasangkapan". ang tugon ng lalaki.
Agad dumampot ang magandang babae ng tig-iisang
dosenag kutsara, tinidor, kutsilyo, pinggan, bandehado at tasa atr iniabot
sa lalaki. Pagkatanggap ng mha hiniram ay ibinigay ng magbubukid ang
dala niyang puting manok na dumalaga. Nang dumating ang lalaki sa kanilang
pook ay halos lumuwa ang mga mata ng kanyang mga kanayon sa nakitang
dala-dala ng kanilang pinakisuyuan. Hindi agad sila makapaniwala hanggang
hindi nila nahihipo ang mga kagamitan. Pagkatapos ng kasalan ay agad
ibinalik ng lalaki ang kanyang hiniram. Simula noon ang mga taga-Ambling
na Munti at mga naninirahan sa karatig pook ay palagiang nanghihiram
ng mga kasangkapan sa magandang babae sa kuweba kung sila ay mayroong
pagkakatao.
Nagpatuloy ang gayong pagmamagandang loob
ng mga taganayon at ng babae sa kuweba. Ngunit hindi pare-pareho ang
ugali ng tao. May mabait at malinis ang hangarin sa kapwa. Mayroon namang
masungit, masamang ugali at sakim sa lahat ng bagay.
Minsan ay may nanghiram ng kasangkapan
sa kuweba. Matapos pahiramin ng magandang babae ng lahat ng kailangan,
ang nanghiram ay nagkaroon ng masamang hangarin. Nang hindi na magbalik
ang nahiram, nagalit ang babae sa kuweba. Simula noon ay nakita nalamang
ng mga taganayon na ang pinto ng kuweba ay laging nakapinid at wala
nang makapanghiram ng mga kagamitan.
Noong Setyembre 15, 1879 ay iniharap ng
mga taga-Ambling na Munti sa Kapitan ng Majayjay ang kahilingan ng mga
taganayon at karatig pook na sila bigyan ng karapatang makapagsarili.
Ang kahilingan ay ipinadala sa Gobernador Heneral noong Setyembre 20.
Bilang tugon, inatasan ng Gobernador Heneral ang Kapitan ng Majayjay
kung may katutuhanan ang kahilingan ng mga tao.
Noong Oktubre 30, 1879, isang pangkat
ng mga namumuno sa pamahalaan sa pangunguna ng Alkalde na si Kgg. Arcadio
Joaquin Luna, Padre Victorios, Kalihim Jose Carilio, isang agrimensor,
Padre Andres Villalobos na nakatalaga sa Majayjay at mga kilalang mamamayan
ang nagtungo sa Ambling na Munti upang suriin ang mapa ng mga baryo
at ang lugar na saklaw nito.
Noong Enero 18, 1880, tinanggap ng Gobernador
Heneral ang magkasanib na rekomendasyon ng Obispo at isang Piskal na
maging bayan ang Ambling na Munti. Sumang-ayon ang Gobernador at matapos
pumili ng mga mamumuno sa bagong bayan ay kasunod na pinasinayaan ang
pagtatag ng bagong bayan sa pangalan ng Madalena. Ang pangalan ay kinuha
sa patron ng Ambling na Munti, ang Nuestra Señora Maria Madalena
de Ambling.
Simula noon ay nagsarili na ang bayan
ng Magdalena. Nagsumikap ang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan.
Ang matabang lupa sa kanayunan ay tinamnan ng niyog at sari-saring halaman
na madaling pakinabangan. Nang mawala na ang kagubatan ay kinaingin
ito ng mga tao at angmga kapatagan ay ginawa nilang palayan. Ang mga
taganayon ay nag-alaga ng hayop at ang mga babae naman ay nag-aral ng
paglalala ng basket, buslo, sambalilo at banig na yari sa pandan.
Samantala, angmga namumuno s bayan ay
nagsumikap na mapaunlad ang bayan. Nagtayo sila ng mga bahay paaralan
sa bayan at mga nayon. Marami ang nag-aaral dito. Nagbukas ng mga padaluyang
tubig upang ang mga mamamayan ay magkaroon ng malinis na inumin at maligtas
sa mga sakit. Sa pamamagitan ng buwis ng taong bayan at sa tulong na
nanggagaling sa pamahalaang nasyonal ay naipagawa ang mga lansangan
sa bayan at mga daang patungo sa mga kanatunan.
Ang Magdalena ay nabibilang sa ikaapat
na uri ng bayan ng lalawigan ng Laguna. Ang 3, 803 ektaryang lupain
na nasasaklaw ng bayang ito ay nahahati-hati sa kinatatayuan ng bayan
at ng dalawampu't dalawang baryo. Sa kasalukuyan ang mamamayan ay umaabot
sa 7, 692. Sa nakaraang taong piskal ang pamahalaang bayan ay kumita
ng P199, 959. 39.
Ang mga nayong nasasakupan ng Magdalena ay ang sumusunod:
1. Alipt Tg. alipt ipit
(?) 'press'
2. Baanan Tg. baanan
'taniman ng saging'
3. Balanac Tg. palasak
(?) 'common'
4. Bukal Tg.bukal 'spring'
Kast. bocal
5. Buenavista (Kast.)
6. Bulongan Mal. bulong
'to whisper'
7. Bungcal Tg. bungkal
'to dig out'
8. Buo Mal. 'whole'
9. Halayhayin Tg. halayhay
(?) 'to spread'
10. Ibabang Atingay (?)
11. Ilayang Atingay (?)
12. Ilayang Butnong (?)
13. Ilayang Butnong (?)
14. Malaking Ambling (?)
15. Malinaw Tg. linaw
Mal. lanaw 'clear'
16. Munting Ambling (?)
17. Maravilla (Kast.)
18. Sabang Mal. sapang
;a kind of tree'
19. Sigaras Tg. galas
(?) 'hanging galing sa hilaga'
20. Salasad Tg. salasad
(Mal.) 'river'
21. Tanayan (?)
22. Tipunan Tg. tipon 'file'
(Provincial
Library-Laguna)