Ang Bayan ng Nagcarlan

          Ang bayan ng Nagcarlan sa lalawigan ng Laguna ay itinatag noong 1565 ni Ana Calang, isang babaing katutubo na kilala sa kanyang kayamanan. Ang kanyang tahanan ay itinayo sa dakong timog, kalahating kilometro ang layo sa dating bayan. Makikita pa ngayon ang labi ng tahanang iyon. Noong itayo ang unang simbahang katoliko rito, si Ana Calang ay nag-abuloy ng malaking halaga para sa pagpapatindig ng nasabing simbahan noon.

          Nang malaman ng pari parokong si Padre Cristobal Jones na walang pangalan ang pook na iyon, ipinasiya niyang gawing Nagcarlan ang pangalan bilang pagbibigay karangalan kay Ana Calang noong taong 1752.

          Nang ang mga Kastila ay makarating sa bayang ito, ang unang ginawa nila ay gawing Kristiyano ang mga katutubo. Lumaban ang mga katutubo sa mga Kastilang pinamumuuan ni Kapitan Juan de Salcedo, apo ni Legaspi, kaya nabalam ang pagiging kristiyano ng marami sa palibot-libot na pook at bayan. Nong 1599, Si Don Jose Banol, alkalde mayor ng lalawigan ay bumisita sa Nagcarlan at binigyan niya ng karapatang maging Kapitan ng bayan si Don Gaspar Gahupa, isang katutubo.

          Nang taong 1752 sa pamumuno ni Fr. Cristobal Torres itinayo ang unang simbahang katoliko. Nasunog ito noong 1781 at itinayong muli sa panahon ni Fr. Anastacio de Argogrojo at Fernando dela Pueblo. Ang pagpapatayo ng gusali ng simbahan ay naisagawa sa pangunguna ni Donya Ana Calang. Dahil sa babaing ito kung kaya't ang pang-araw-araw na misa ay hindi sinisimulan hanggang wala siya sa simbahan. Ang pangalan ni Ana Calang ay iniukit na sa likod ng Altar. Hanggang sa ngayon ay makikita pa ito sa likod ng altar.

          Ang unang bahay Pamahalaan ay itinayo noong 1845 sa pangangasiwa ni Fr. Vicente Villoc at Kapitan Juan Pompa, kasunod niyon itinayo rin ang pamilihang-bayan, gayundin naglaan ng isang bahagi ng lupa sa may tabi ng bayan para sa libingan ng bayan.

          Ang lupa sa mga nayon ng Nagcarlan ay mataba at nababagay sa mga halaman. Nakararami sa mga mamamayan ay magsasaka. Ang kanilang pinagkkikitaan ng ikinabubuhay ay ang niyog, palay, lansones, prutas, camote, gabi at ibang mga gulayin.

          Ang mga naninirahan sa bayan ng Nagcarlan ay hindi pa nakalilimot sa magandang kaugaliang Pilipino. Mahusay sila sa pagtanggap ng mga panauhin lalo na kung kapistahan ng bayan na kanilang kinahihiligan sa paghahanda ng masasarap na pagkain at pinaglalaanan ng mga inimpol na salai at pagkain sa buong taon.

          Ang Nagcarlan ay may magagandang tanawing maipagmamalaki sa mga panauhin. Sa taluktok ng bundok ng San Cristobal ay makikita ang "Lake Dagatan". Malamig ang pook na ito at magandang tanwin. Makikita ang magagandang pook sa paligid-ligid na maaaring maitulad sa tanawin sa Tagaytay. Ito ay ginagawang bakasyunan ng mga tao dahil sa kaaya-ayang sibol.

          Ang "Philippine Powe and Development Authority Company" ay itinayo sa pook ng Balayong at Palina, dalawang nayon na nasasakupan ng Nagcarlan. Dinarayo rin ng mga tao ang "Bunga Twin Falls" na nasasa nayon ng Bunga.

          Ang Nagcarlan ay nabibillang sa ikatlong uri ng bayan sa lalawigan ng Laguna. Sa nakaraang taong piskal ang pamahalaang ay kumita ng halagang umaabot sa P229,311.82. Ang kinitang ito ang siyang pinagkukunan ng gugulin sa pagpapagawa at pagkukumpuni ng mga lansangan sa loob at labas ng bayan, sa pagpapatayo ng mga gusaling pampamahalaan at pampaaralan, sa pag-angkat ng ma kagamitang pantanggapan at sa pasahod sa mga pinuno at kawani ng pamahalaang bayan.

          Ang saklaw ng Nagcarlan ay may 7,812 ektaryang lupa. Ito ay nababahagi sa kinatatayuan ng bayan at ng apatnapu't siyam na nayon.

          Tulad sa lahat ng nayon sa buong kapuluan, ang mga ito ay may sarili na ring pamunuang gumaganap ng tungkuling pang-kaunlaran ng nayon. Ang kitang salpi ng mga nyong ito ay nanggagaling sa ika-10 bahagdan (10%) ng buwis ng lupang masasakupang, at sa ibang buwis na ipinapatong na pamunuang nayon sa mga tindahan, at iba pang mga ari-ariang sakop ng nayon.

          Ang mga nayon ng Nagcarlan ay ang mga sumusunod:

      1.Abo
      2.Alibunbungan
      3.Alumbrado
      4.Balayong
      5.Balimbing
      6.Balinacon
      7.Bambang
      8.Banago
      9.Banca-Banca
     10.Bangkuro
     11.Banilad
     12.Bayaquitos
     13.Buboy
     14.Buenavista
     15.Buhanginan
     16. Bukal
     17. Bunga
     18.Cabuyaw
     19.Calumpang
     20.Kabubuhayahan, Kanluran
     21.Kabubuhayan, Silangan
     22.Labangan
     23.Lagulo
     24.Lawaguin
     25.Hasaan, Kanluran
     26.Hasaan, Silangan
     27.Maiit
     28.Malaya
     29.Malinao
     30.Manaol
     31.Maravilla
     32.Nagcalbang
     33.Napapatid, Silangan
     34.Oples
     35.Palayan
     36.Palina
     37.Sabang
     38.San Francisco
     39.Santa Lucia
     40.Sibulan
     41.Silangang Ilaya
     42.Sinipian
     43.Salsugan
     44.Talahib
     45.Talangan
     46.Taytay
     47.Tipacan
     48.Wakas
     49.Yukos

(Provincial Library-Laguna)

(Mal.) Abu 'ash'
Tg. alibungbong Tg. bumbong 'bamboo container'
(Kast.)
Tg. balayong 'uri ng kahoy'
Tg. balimbing 'a king of tree'

(Tg.) bambang 'kanal'

(Kast.) banca 'boat'

(Tg.) nilad 'a kinid of plant'
Tg. bayakitos 'uri ng kahoy'
Mal. babi 'pig'
(Kast.)
Tg. buhangin 'sand'
Tg. bukal Kast. bocal 'spring of fresh water'
(Mal.) bush 'areca palm'
Tg. kabuyaw 'a kind of citrus'
Tg. kalumpang 'a kind of tree'
Mal. buhay 'life'
Tg. silangan 'east'
(Tg.) 'an eating place of a pig'


Mal. asah 'sharping'
idea

Tg. laya 'free'
Tg. linaw Mal. lanaw
Tg. taol 'isang uri ng katutubong sakit ng bata'
Tg. maravilla 'apelyido ng tao'

Tg. patid 'cut off'
Tg. pulo 'sand leaves'
Mal. palay 'rice'
Tg. paling 'slope'
Mal. sapang 'a kind of tree'
(Kast.)
(Kast.)
Mal. sibol 'growth'
Mal. idaya 'north'
Tg. sipi (sapi) 'kopya' ('support')
Tg. susog 'to trace'
Tg. talahib 'a kind of tall grass'
Tg. talang 'mabolo'
(Tg.) 'bamboo pank'
(Tg.) tipak 'piece'
(Tg.) wakas 'end'
Tg. yukos 'squeeze'