Tumanggap
kamakailan ng mga ulat mula sa bayan ng Siniloan ang Laguna
PNP at Provincial Peace and Order Council (PPOC) hinggil sa
sindikatong nambibiktima sa mga mamamayan ng Siniloan at karatig-bayan
sa pamamagitan ng pagkuha ng bank accounts ng mga biktima.
Ayon sa ulat, tinatawagan ng mga suspek ang mga biktima na
may mga kamag-anak sa ibang bansa sa kani-kanilang tahanan
upang sabihing nagkaroon ng problema ang kanilang mga mahal
sa buhay at nangangailangan ng tulong pinansyal. Hinihingi
din ng tumawag na suspek and bank account ng biktima upang
sabihing handa silang tulungan.
Naalarma ang mga mamamayan ng
Siniloan at karatig-bayan sapagkat alam ng mga tumatawag na
suspek ang lahat ng impormasyon hinggil sa kanilang pamilya.
Mayroon ding mga ulat na ang ibang impormasyon ay kinukuha
ng mga suspek sa iba rin mamamayan ng Siniloan at karatig-bayan
na kanilang titawagan. Sa nasabing mga insidente, nanawagan
ang mga mamamayan ng Siniloan sa Laguna PNP at PPOC kung kaya
nilang ma-trace ang mga tawag sa kumpanya ng teleponong DIGITEL
o CRUZTELCO sa dahilang karamihan sa mga taga-Siniloan at
karatig-bayan ay subscribers ng nasabing telephone companies.
|