Local News

Libreng Sports Clinics Para sa Kabataan ng Laguna

     
NEWS RELEASE
OFFICE OF GOV. TERESITA S. LAZARO

Provincial Capitol
Sta. Cruz, Laguna
March 21, 2005
     
 

         Ang Provincial Sports and Games Development Office, sa ilalim ng Tanggapan ng Punong-Lalawigan, ay muling magkakaroon ng mga sports clinics ngayong darating na bakasyon simula Abril hanggang Mayo. Ang mga sports clinics na bubuksan ay basic na kurso sa taekwando, karatedo, badminton, swimming (sa Sta. Cruz), muay (sa Calamba) at basketball (sa buong lalawigan ng Laguna) at gaganapin ang mga ito sa iba’t ibang barangay sa apat na distrito ng ating lalawigan. Noong nakaraang taon, may halos 3,000 kabataan ang nakinabang sa libreng programang ito. Ngayong taon, inaasahang dadami pa ang sasaling kabataan.

      Para maging kapakipakinabang sa nakararaming residente ng Laguna, ang nasabing sports clinics ay ipagkakaloob ng libre sa mga batang nasa edad 7-12 taong gulang. Handog ito ng ating gobernador, Kgg. Teresita “Ningning” S. Lazaro, para sa ating mga kabataan para mabigyan sila ng libreng pagkakataong matuto ng isang isport ngayong panahon ng bakasyon. Ang mga instructor ay pawang kwalipikado at naka-affiliate sa mga national sports associations ng Pilipinas.

      Sa mga nais isali ang kanilang mga anak, tumawag lamang sa Tanggapan ng Isports sa Tel. Nos. 8085806 o magtext sa 0922-425-4224 (para sa nga residente ng district 1 at 2) o sa 0919-896-2570 (para sa residente ng district 3) at sa 0927-914-2295 (para sa mga residente ng district 4). Magmadali…ipalista na ang inyong mga anak para makasali sa mga libreng sports clinics!!! # (PSGDO-Laguna)

 
Back  
About Us  |  Site Map  |  Contact Us