Local News

Bagong PNP-Laguna
Provincial Director, Itinalaga

NEWS RELEASE
OFFICE OF GOV. TERESITA S. LAZARO

Provincial Capitol
Sta. Cruz, Laguna
May 2005
   

     Sinaksihan ni Gob. Teresita "Ningning" Lazaro khapon ang seremonyal ng paglilipat ng pamununo ng Laguna-PNP mula kay PS Supt. Jaime Calungsud, Jr. papunta kay bagong Provincial Director PS Supt. Frederico Terte. Dumalo rin sa simpleng seremonya, na ginanap sa PNP Provincial Headquarters sa Brgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna, si PNP Region IV-A Director PC Supt. Natalio Sanque and dumalo bilang kinatawan ni PS Supt. Calungsud.

     Nagkaroon ng maikling talakayan tungkol sa patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng PNP-Laguna sa mas aktibong pagpapatupad ng programang "Sulong Kapayapaan at Kaayusan" ni Gob. Lazaro sa ilalim ng 7-Point Agenda. Kasama na dito ang mas pinasiglang kampanya laban sa droga at jueteng, pati na ang karumal-dumal na pagpaslang kay Mayor Leon Arcillas ng Lungsod ng Sta. Rosa. (PIO-Laguna)

 
         
  Back  
About Us  |  Site Map  |  Contact Us