“Sa
patuloy na pagpapaunlad ng paraan para sa mas epektibong pagkolekta
ng buwis ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, kami po ay nagbabalangkas
na ng Business and Realty Tax Promo,” ito ang mariing ipinahayag
ni Gob. Teresita “Ningning” Lazaro sa kanyang lingguhang
kolum sa isang pahayagang local sa Laguna.
Bayaran lang ang inyong delinquent
business at realty taxes mula Setyembre 06 hanggang Disyembre
31, 2004 upang makakakuha ng “full condonation” ang
Tax Penalties Interests at Surcharges. Ito ay pinagtitibay ng
Sangguniang Panlalawigan Ordinance No. 04-001 series of 2004.
Maliban sa full condonation ng tax
penalties, interests at surcharges ay maaring manalo ng Instant
Gift Items tulad ng T-shirt, bag, at payong, at Gift Certificates
para sa mga nagbayad ng buwis o tax payers mula Setyembre 06 hanggang
Mayo 31, 2005. Ang mga tax payers ay maaring makasama sa Grand
Draw kabilang ang mga premyong Appliance Showcase at iba mga mga
Major Prizes ang maaring mapanalunan.
“Lahat ng proyektong pangkaunlaran
ng lalawigan ay nakasalalay sa buwis na ating ibinabayad. Magtulungan
po tayo, umasa po naman kayo na bilang Ina ng Lalawigan ay masusi
po naming iaayos ang mga gastusin ng ating pamahalaan. Kilala
po naman ninyo ako pagdating sa pagba-budget. Hanggat matitipid
natin ang pera ng lalawigan ay talagang ginagawa natin,”
sabi pa ni Gob. Lazaro.
Si Gob. Lazaro ang kasalukuyang Ingat-Yaman ng Liga ng mga Gobernador
sa Pilipinas. # (PIO-Laguna)