Rizal : Haligi ng Bayan (Eksibit ng mga larawan at mga aklat)

LPL Web Team
August 26, 2011
 

Ang Panlalawigang Aklatan ng Laguna ay maghahandog sa lahat ng Laguneno ng isang eksibit ng mga aklat at larawan ni Gat Dr. Jose P. Rizal. Ito ay ipamamalas  sa unang  palapag  ng Bagong Kapitolyo dito sa Sta. Cruz, Laguna sa Setyembre 5-9, 2011, ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.

 

Ang eksibit ay itatanghal kaugnay ng  pagdiriwang ng  buwan ng Pambansang Serbisyo Sibil at bilang parangal sa ika-150 taong  kaarawan ng ating  pambansang bayani na si Gat Dr. Jose P. Rizal noong ika- 19 ng Hunyo 2011. Ang eksibit ay may pamagat na “Rizal: Haligi ng Bayan, Eksibit ng mga Larawan at mga Aklat”.

 

Ang naturang eksibit ay katatampukan ng mga aklat na may kinalaman kay Rizal na makikita at mababasa sa Panlalawigang Aklatan ng Laguna. Una na itong itinanghal sa Panlalawigang  Aklatan simula pa  noong buwan ng Hunyo at itultuloy hanggang Disyembre 2011 pagkatapos ng eksibit sa Kapitolyo.

 

Mga pamagat ng aklat:


  1. Obra Maestra : Noli Me Tangere
  2. Obra Maestra : El Filibusterismo 
  3. Noli Me Tangere
  4. Si Jose Rizal sa Kanyang Pagkakatapon sa Dapitan
  5. Si Jose Rizal sa Kanyang Pag-aaral
  6. Si Jose Rizal sa Kanyang Kamartiran
  7. Rizal His Boyhood
  8. Dalawang Bayani ng Bansa
  9. Jose Rizal Ang Martir ng Bagumbayan
  10. Rizaliana for Children Illustrations and Folktales
  11. Jose Rizal : El Filibusterismo Subversion
  12. El Filibusterismo : Isinalin sa Filipino ni Patricio Mariano
  13. Noli Me Tangere El Filibusterismo
  14. The Reign of Greed (El Filibusterismo)
  15. Jose Rizal El Filibustrismo (Karugtong ng Noli Me Tangere)
  16. Noli Me Tangere (2305a)
  17. Noli Me Tangere (2305)
  18. The Social Cancer
  19. Noli Me Tangere (260)
  20. Noli Me Tangere (2318b)
  21. Noli Me Tangere (2323)
  22. The First Filipino : A Biography of Jose Rizal
  23. In Excelsis
  24. Jose Rizal and the University of the Philippines
  25. Rizal in Saga
  26. Rizaliana : Mga Dula at Tula : Plays and Poems
  27. Rizal Without Overcoat
  28. Lineage Life and Labors of Jose Rizal
  29. Jose Rizal Life Works and Writing of a Genius Writer…
  30. Rizal Without Overcoat (purple)
  31. Rizal and Heroic Traditions : A Sense of National Destiny
  32. Jose Rizal and the Asian Renaissance
  33. Mga Salin sa Tagalong ng “Ultimo Adios”
  34. Rizal’s Poems
  35. Rizal’s Prose
  36. The Heroic Confession
  37. Rizal
  38. Rizal According to Retana
  39. Lolo Jose
  40. The Trial of Rizal
  41. Jose Rizal
  42. Rizal/Bayaning 3rd world 2 Dulang Pampelikula


Mga larawan :

  1. Rizal’s Family Tree
  2. Portraits
  3. Education
  4. Works
  5. Travels
  6. Friends and Colleagues
  7. Women in the Life of Rizal
  8. Martyrdom

     Taos puso kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod na  tanggapan na tumutulong at sumosuporta upang ang naturang eksibit ay maging ganap na matagumpay; Tanggapan ng Gobernador, Tanggapan ng Panlalalwigang Inhenyero, Tanggapan ng Panlalawigang Arkitekto, Tanggapan ng Panlalawigang Pangkalahatang  Paglilingkod at sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.(By : LVS)