| Sampung
silid-aralan ang pinasinayaan noong nakaraang linggo na pinangunahan
ni Gob. Teresita “Ningning” S. Lazaro sa iba’t
ibang bahagi ng lalawigan ng Laguna kasama ang ilang mga pinunong
lokal. Ang 3-palapag na gusaling pampaaralan na may anim (6)
na silid-aralan sa Linga Elementary School sa Brgy. Linga,
Pila, Laguna ay seremonyal na pinasinayaan at binasbasan.
Gayundin ang apat (4) na silid-aralan sa Mabitac National
High School sa Mabitac, Laguna.
Bukod sa mga gusaling pampaaralan
ay mayroon ding mga covered court at school stage na pinapasinayaan
bawat lingo sa mga kanayunan ng lalawigan bilang bahagi ng
programang SULONG EDUKASYON AT ISPORTS ng Pamahalaang Panlalawigan
sa ilalim ng 7-Point Agenda ni Gob. Lazaro.
#
(PIO-Laguna)
|