Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Accomplishment Report ng Provincial Cooperative and Development Office

Provincial Cooperative and Development Office

November 7, 2018

 

    Ang mga programa at gawain ng tanggapan ng Provincial Cooperative and Development Office (PCDO) ay batay sa isang bisyon na kung saan ang tinatanaw ay isang lalawigan na may matatag at maunlad na mga kooperatiba na kaagapay ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa pagpapabuti ng antas ng kabuhayan ng mga mamamayang Lagunense.

    Ang pagsulong ang siyang pangunahing ginagampanan ng PCDO. Sa nagdaang taon hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang PCDO sa pagsasagawa ng mga pagsasanay at oryentasyon sa ibat-ibang mga grupo o samahan na nasa proseso ng pagtatayo ng kooperatiba.

    Ito ang tinatawag na pre-membership education seminar, isang pagsasanay na kailangan upang ang kooperatiba ay maparehistro sa Cooperative Development Authority o CDA.

    Ilan lamang sa mga grupong nabigyan ng ganitong serbisyo ang samahan ng mga market vendors sa bayan ng Pila, Bay at San Pablo City, gayundin ang samahan ng mga magsasaka at mangingisda na karamihan nito ay mula sa ikaapat na distrito ng lalawigan ng Laguna.

    Nakatulong din ang PCDO sa pagsasaayos ng mga dokumento at sa pagpaprehistro ng siyam (9) na bagong mga kooperatiba.

    Ang PCDO ay kabilang sa kinikilala ng CDA na “accredited training provider” sa buong Region IV.

    Nakapagsagawa din ng labing-isang (11) mga pagsasanay o mandatory trainings na itinakda ng CDA para sa mga namumuno at kasapi ng kooperatiba subalit sa taong ito ay pinagtuunan din ng pansin ang pagkakaloob ng apat na mahahalagang pagsasanay na hinahanap ng CDA sa mga kooperatiba katulad ng mga sumusunod: 1. Fundamentals of Cooperative; 2. Cooperative Management and Governance; 3. Enterprise Development and Management; at 4. Risk and Credit Management.

    Kasama din sa patuloy na pagtuturo ang on-site at hands-on coaching and mentoring sa larangan ng: 1. Bookkeeping and Accounting; at 2. Record Management.

    Sa mga nabanggit na training at seminar ay nagkaroon ng 54 na kaooperatiba na nabigyan ng pagsasanay na may kabuuang 435 na mga kalahok. Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

    Sa larangan naman ng pagbibigay tulong pinasyal, isa sa prayoridad ng PCDO ang patuloy na pagpapatupad ng tulong pinasyal katuwang ang Laguna Credit Surety Fund Program.

    Sa bisa at matibay na ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Land Bank of the Philippines ay nabigyan din ng pagkakataon ang mga kooperatiba na makahiram ng karagdagang puhunan sa mga bangko para sa kanilang negosyo.

    Mula sa labing-dalawa na kooperatiba ay mayroon ng labing-walong kasapi ng Laguna Credit Surety Fund na may pinagsama-samang kabuuang contribution na 2.4 milyong piso. At ang pinakahuling nadagdag na kasapi ay ang Laguna Employees Multipurpose Cooperative.

    Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ay nagkaloob ng kabuuang limang milyong piso bilang suporta sa programa. Ang programang tulong pinansyal ay nakapagpahiram ng kabuuang 14. 8 milyong piso sa walong kooperatiba para sa mga proyekto tulad ng trading ng farm inputs at para sa mga transport cooperatives ay sa pagbili ng pampasaherong jeepney at mini-bus.

    Mayroon ng dalawang kooperatiba na may gasoline station projects. Ang isa ay nakapagpatayo na at ang isa naman ay ongoing ang construction ng sariling gasolinahan. Sa pamamagitan ng programang ito ay tinatayang 778 na mga kasapi ng kooperatiba ang natulungan.

    Kamakailan lamang ay may dalawa pang kooperatiba mula sa bayan ng Liliw at Los Baños na naka-proseso ang kanilang loan sa Development Bank of the Philippines para sa kabuuang dalawang milyong working capital. Dagdag pa ang apat na milyong pautang na pinoproseso naman ng Land Bank of the Philippines para sa El Joda Transport Cooperative sa bayan ng Siniloan.

    Sa pamamagitan ng programa ay makakatulong ito sa mga kalalawigan tulad ng drivers at transport operators kaugnay ng transport modernization program ni Pangulong Rodrigo Duterte. Patuloy din itinataguyod ang kabuhayan para sa barangay.

    Ito ay programa na kung saan sa pakikipagtulungan sa Manila Water Foundation at Laguna Water Corporation ay natulungan ang mga kooperatiba na makahiram ng isang daang libong pisong karagdagang puhunan ng walang anumang tubo o interest.

    Sa taong ito ay nakapagpahiram ng limang daang libong piso sa limang kooperatiba. Umabot ng 53 na kooperatiba ang nabigyan ng kabuuang pautang 5.3 milyong piso at humigit-kumulang na 3,000 na mga kasapi ng kooperatiba ang mga natulungan.

    Upang lalo pang mapalawak ang programa sa pagbibigay tulong sa mga kooperatiba, sa mga bago pa lamang nagsisimulang kooperatiba at maging sa mga kalalawigan na may malilit at katamtamang laki ng mga negosyo, ang tanggapan ng PCDO ay nakipag-ugnayan sa small business corporation sa ilalim ng Department of Trade and Industry para sa nalalapit na panahon ay matutulungan din ang mga kooperatiba sa ilalim ng “Pautang Para sa Pagbabago” o P3 program.

    Ang serbisyong ipinagkaloob sa mga kooperatiba ay hindi lamang sa pagbuo ng kooperatiba, kundi sa pagkaloob ng mga pagsasanay at sa tuloy-tuloy na pagsubaybay sa pagbibigay ng tulong pinansyal. Tumutulong din ang PCDO sa pagpapalawak ng merkado ng mga produkto ng mga kooperatiba at maging ng mga indibidwal na kasapi sa pamamagitan ng isinasagawang “koop kalakalan.”

    Dagdag na tulong din ang pagpapalawig ng ugnayan o “linkaging” ng mga kooperatiba sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.

    Tinututukan din ng PCDO ang pag-aayos ng mga sigalot at hindi pagkakasundo sa mga namumuno at mga kasapi ng kooperatiba.

    Ngayong taon ay pinagtutuunan ng pansin ang pagbuo ng isang youth cooperative sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Edukasyon. Layunin nito na maturuan ang mga kabataang estudyante ng pagtitipid at pag-iimpok sa pamamagitan ng kooperatiba. Isinusulong din ng programa ang adbokasiya ukol sa waste recycling.

    Ang tampok na programa ng PCDO ay ang “Coop Tourism” layunin nito na mapasigla pa ang turismo sa pamamagitan ng kooperatiba at makalikha ng mga trabaho at pagkakakitaan. Nito lamang kasalukuyang taon ay pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa ukol sa coop tourism program na inisponsoran nina Board Member Ruth Hernandez at Board Member Rai Ann San Luis.

    Nasa initial stage na ng pagpapatupad ng programang ito kung saan kapartner dito ang Institute of Cooperative and Bio-enterprise Development ng University of the Philippines Los Baños. Naging posible ang lahat ng programang ito sa tulong ng ibat-ibang tanggapan ng Pamahaalang Panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Gob. Ramil L. Hernandez.

(Sa panulat ni Jay-Ar N. Ranillo at mga larawang kuha ni Jun Sapungan - PIO Laguna)