Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Gov. Ramil Hernandez muling namahagi ng Health Cards

Provincial Information Office

October 11, 2018

 

    Muling nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Gobernador Ramil Hernandez ng pamamahagi ng Serbisyong Tama Health Cards o mas kilala sa tawag na “Blue Cards” sa lalawigan ng Laguna.

    Ang pamamahagi ng blue cards ay para sa mga samahan o sektor ng kababaihan, magsasaka, mangingisda at transport services ng tricycle, jeep at pedicab sa Laguna.

  Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng blue cards kamakailan sa Brgy. Maulawin Covered Court sa Pagsanjan, Laguna, na kung saan umabot sa 1,100 benepisyaryo ang napagkalooban, na kinabibilangan ng Pagsanjan TODA Federation, United Boatmen Association of Pagsanjan, Serbisyong Tama Kababaihan of Pagsanjan at Farmer’s Organizations.

   Samantala, ginanap din kamakailan ang pamamahagi ng blue cards sa Brgy. Kanluran Covered Court sa Sta. Rosa City na umabot naman sa 1,800 benepisyaryo ang napagkalooban, na kinabibilangan naman ng Sta. Rosa TODA Federation, Sta. Rosa Pedicab Federation, Serbisyong Tama Kababaihan of Sta. Rosa at Fisherfolks FARMC of Sta. Rosa.

   Ang nasabing gawain ay sa pakikipagtulungan ng Sectoral Concerns Office na pinamumunuan ni G. Edward M. Inzon.

  Ang Serbisyong Tama Health Card Program o “Blue Card” ay isa sa mga pangunahing programa ni Gob. Hernandez na kanyang isinusulong bilang tugon sa mataas na pangangailangang serbisyong medikal at hospitalisasyon para sa kanyang mga kalalawigan.

 

   Layunin ng programa na matulungan ang mga mamamayan ng Laguna na mabigyan ng abot kaya at dekalidad na serbisyong medikal para sa kanilang kalusugan.

 

  Ang Serbisyong Tama Health Card Program ay mas pinaganda at pinaunlad na programang pangkalusugan ni Gob. Hernandez na kung saan, mula sa dati nitong mga benepisyo ay dinagdagan pa ito ng paglalaan ng burial assistance para sa mga cardholder na namatay sanhi ng sakit, aksidente, kalamidad at katandaan.

  Maaaring maging miyembro ng Serbisyong Tama Health Card Program ang mga lehitimo at rehistradong botante ng Laguna na may edad na 18 taong gulang pataas, nasa wastong pag-iisip at nabibilang sa mahirap na pamilya ng lipunan. (Sa panulat ni Odessa T. Bearneza/larawang kuha ni Mercedes Llarena - PIO Laguna)