Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

PPESO, nagsagawa ng Job Fair sa bayan ng Santa Cruz!

Provincial Information Office

September 13, 2018

 

   Santa Cruz, Laguna-Limamput-limang (55) kababayan natin ang pinalad na makahanap ng trabaho sa ginanap na jobs fair kamakailan sa Cultural Center sa kapitolyo. Tatlumpung kalalakihan at dalawangpung kababaihan naman ang matagumpay na sumailalim sa interview at exam kaya sila nabigyan ng job offer at tuluyang na-hired-on-the-spot (HOTS). Mahigit apat na raan o 407 ang mga aplikante na dumating at matiyagang pumila sa jobs fair. Ang ilan sa kanila ay sasailalim pa sa final interview sa susunod na mga araw. Nais nating pasalamatan ang mga pribadong kumpanya na tumugon at naging katuwang ng pamahalaang panlalawigan upang mairaos ang naturang jobs fair. Dalawamput-lima (25) sa kanila ang nag-alok ng trabahong lokal habang tatlo (3) naman ang nag-alok ng trabaho sa ibang bansa. Kasamang lumahok dito at nagsagawa ng verification at membership ang tanggapan ng Philhealth at Pag-Ibig Fund na malaking tulong sa mga nag-aaplay ng trabaho. Mahigit limampu (50) ang nagpalista sa libreng call center training course na isasagawa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na matagal ng kapartner ng pamahalaang panlalawigan. Ang mga papasa sa call center training ay magkakaroon ng pagkakataon na magtrabaho sa kumpanyang East & West na matatagpuan sa bayan ng Alaminos. Layunin ng programang ito na magkaroon ng opurtunidad sa trabaho para sa lahat, palakasin pa at palawakin ang serbisyo ibinibigay ng pamahalaan pagdating sa pagkakaroon ng hanapbuhay. Ang ginanap na jobs fair ay handog ng pamahalaang panlalawigan at Provincial Public Employment and Service Office o PPESO bilang paggunita sa ika-118 taong anibersaryo ng serbisyo sibil. Muli, maraming salamat sa ating mga partner sa jobs fair at congratulations sa mga Lagunenseng nagkaroon ng trabaho. Mabuhay ang serbisyo sibil! Isinulat ni Jonna Coroza, Larawan kuha ni Edgard Flores (PIO Laguna)