Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

Matagumpay na operasyon para sa mga batang bingot

Moral Development Office

August 4, 2018

 

   Naging matagumpay ang pag-oopera sa labing-siyam (19) na batang bingot sa Pagamutang Pangmasa ng Laguna-Bay District Hospital noong ika-14 ng Hulyo 2018. Lubos ang kagalakan ng mga magulang ng mga bata nang dahil sa libreng operasyon, magkakaroon na ng maayos na kinabukasan ang kanilang mga anak at hindi na magiging tampulan ng tukso at panlalait.

  Labis-labis din ang kanilang pasasalamat kay Gobernador Ramil L. Hernandez dahil kaniyang numero unong prayoridad ang angkop na programang pangkalusugan para sa lahat, at isa lamang ang libeng operasyong ito sa kanyang mga proyekto.

  Ang nasabing gawain ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng Moral Development Office (MDO) sa Philippine Band of Mercy, isang pribadong mapagkawanggawang organisasyon na itinatag noon pang 1937 upang maglaan ng libreng opersayon sa mga bingot na bata at mga indibidwal na kabilang sa mga nagdarahop na pamilyang Pilipino.

   Sa kabilang banda, dalawang Lagunense mula sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna ay sumailalim sa libreng operasyon ng katarata na isinagawa sa Holy Rosary Hospital sa Lungsod ng Cabuyao noong ika-19 ng Hulyo 2018.  Ito ay ginanap sa pakikipagtulungan ng MDO kay Dr. Dennis Pahud, iang ophthalmologist ng HealthServ Medical Center sa Los Baños, Laguna.  Ang uri ng operasyong ito naman ay walang bayad kung ang pasyente ay kasapi ng Philhealth.