Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Etiam porta sem malesuada magna mollis euismod. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit. Morbi leo risus, porta ac consectetur ac, vestibulum at eros. Praesent commodo cursus magna.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Duis mollis, est non commodo luctus, nisi erat porttitor ligula, eget lacinia odio sem nec elit. Cras mattis consectetur purus sit amet fermentum. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh.

View details »

Generic placeholder image

Heading

Donec sed odio dui. Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Vestibulum id ligula porta felis euismod semper. Fusce dapibus, tellus ac cursus commodo, tortor mauris condimentum nibh, ut fermentum massa justo sit amet risus.

View details »

MOVE seminar idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna

Provincial Information Office

August 4, 2018

 

   Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, katuwang ang Provincial Social Welfare Development Office, ang isang special training/seminar para sa mga kalalakihan ng lalawigan ng Laguna. Lumahok ang humigit-kumulang 70 na kalalakihan galing sa mga LGU, mga  opisyal ng barangay, uniformed personnel, non-government organization at mga volunteer responders na idinaos sa Amazing View Resort, Mabitac, Laguna noong ika-24 at 25 ng Hulyo 2018.

   Ang nasabing seminar ay tungkol sa Men Opposed to Violence Everywhere o ang tinatawag na “MOVE,” isang organisasyon ng mga kalalakihan na naglalayong malimitahan ang kaharasan laban sa mga kababaihan. Tinalakay din sa seminar na dapat maging pantay ang karapatan at magkaroon ng batas para sa mga naagrabyadong mga kalalakihan sa ating lipunan.

    Naging panauhin at taga-pagsalita dito ang pinuno ng Capabilitiy Building Unit Adviser, MOVE Sub Chapter DSWD FO IV-A na si G. Dionisio Dalusong at ang hepe ng Disaster Response Management Division National President, MOVE DSWD Chapter na si G. Ricky A. Bunao. Ibinahagi nila ang kanilang kaalaman at ipinaliwanag ang iba’t-ibang aspeto ng Gender Sensitivity Training (GST) tulad ng Sex vs Gender. Ayon kay G. Dalusong pag sinabi na “sex” ito ay ang kasarian at kapag naman “gender” ito ay ang pangkasarian.

   Dagdag pa ni G. Dalusong ang “sex” ang tutukoy kung babae o lalaki ang kasarian ng tao. At ang “gender” naman ay characteristics, gawi at pag-uugali at mga kinasanayan ng isang babae at lalaki. Hinalimbawa pa ni G. Dalusong kung paano matutukoy ang gender sa pamamagitan ng mga tanong na, sino ba ang dapat na mahinhin babae o lalaki? Sino ba ang dapat na malakas babae o lalaki? Dagdag pa niya ito ay nababago sa paglipas ng panahon at kultura.

    At ang pagmulat ng pangkalahatan sa Gender Based Violence and Criminalities o (GBV) ayon naman kay G. Bunao ay sumasaklaw sa malaking uri ng krimen tulad ng sexual harassment, rape, human trafficking at domestic abuse.

   Tinalakay din ni G. Bunao ang pagsiyasat at paghimay sa mga batas na nakapaloob sa Gender Based Violence and Criminalities through Men’s involvement tulad ng batas na R.A 7877- ang sapilitang paghingi, paghiling o pag-utos at iba pa ng sekswal na pabor mula sa iba. Layunin ng batas na ito na maibsan at tuluyan ng masawata ang mga pang-aabuso sa lahat ng sektor at magkaroon ng pantay na pagtingin sa bawat isa.

    Pagkatapos ng mga talakayan ay ginanap ang paghalal sa mga opisyal bilang kinatawan ng MOVE sa Lalawigan ng Laguna. Sila ay ang mga sumusunod: President- Pastor Ronald A. Abarro, Vice President for Internal- Pastor Felix Ronquillo, Vice President for External- Benedict Ladub, Secretary- Jay-Ar N. Ranillo, Treasurer-Israel Ricardo Sombra, Auditor-Modjie L. Abadier, PRO-1st District-Vicente C. Vergara, 2nd District-Ulysses R. Cometa, 3rd District-Dante C. Macaraig, 4th Disrict.- Armando G. Ladiana.

   Nangako ang mga nahalal na opisyal na magiging aktibo, palaganapin pa at pagtuunan ng pansin ang pagtuligsa sa karahasan at kriminalidad laban sa kababaihan partikular sa Lalawigan ng Laguna. (Isinulat ni Jay-Ar Ranillo at Larawan ng PSWDO PIO LAGUNA)